marami sating mga babae ang nagrereklamo, bakit double standard ang lipunan?
karaniwang tanong natin, “bakit ang mga lalake pwedeng mangaliwa, pero pag babae hindi pwede?”
pag lalake may #2, normal lang. lalake e. pero pag babae may #2, mortal ng kasalanan. tanggapin na natin yun. ganun talaga e.
pero diba di lang naman mga babae ang na-do-double standard sa lipunan? lalake din. merong mga bagay na di pwedeng gawin ng lalake pero ok lang gawin ng babae. example? fine!
1. sa pangalan, pansinin niyo, pag babae ang gumagamit ng panglalakeng pangalan tulad ng JC, Alex, Billie etc e ayos lang. in fact, ang cool pa nga pakinggan. pag nakipagkilala;
“hi, im Alex. this is my foxy friend, Billie. we’re wondering if we can invite you out on a date”
o diba astig ng dating? baka nga yung ibang guys, ma-turn on pa e hehe pero pag lalake ang gumamit ng pang babaeng pangalan;
(in big deep voice) “hi, im Jennifer. this is my pren, Samantha. ahh..we’re wondering if we can take you out on a date”
o diba, katakot?haha
2. ang mga girls, madalas magpasama sa kapwa girl sa loob ng cr;
“girl, cr tayo. retouch tayo habang wala pa sila”
ok lang yun. consider pa nga natin as bonding moment yun e. chismisan to the max pa nga minsan sa loob ng cr e. pero pag boys;
“pare, samahan mo nga kong juminggel. pa-assist a?”
tokwa, diba nakakapangilabot?haha
3. girls can wear mens underwear. may tinatawag pa nga tayong panty brief diba? pero imagine niyo naman pag lalake ang nagsuot ng girls underwaer? ewan ko lang kung di agad mahusgahang cross dresser.
hot babe ang babaeng naka-Tback. isipin niyo na lang kung naka-Tback din ang lalake. kelangan nila ng sandamakmak na talent para balansehin yung dalawang i*@#$ nila hahaha
4. a girl can hold another girls hand. minsan nga pa-sway sway pa! pero pag lalake ang nakitang may kahawak kamay na isa pang lalake…for sure, this guy’s inlove with you pare na…hahaha
oha, sabi senio unfair din sa mundo nila e. hem hay rayt? kaya kung ako senio, LET’S ACCEPT THINGS WE CAN’T CHANGE…sabi yan ni St. Francis of Assissi, di ako